Sabado, Oktubre 24, 2015


Napapanahong Isyu
-KAHIRAPAN-



https://pnoypolitika.wordpress.com/2015/06/


            Isa sa pinakamalalang problema ng ating bansa ay ang kahirapan.
Ngunit karamihan sa atin ibinabale ang sisi sa mga pinuno ng bansa, pero sino nga ba ang tunay na may kasalanan ang pamahalaan o tayong mga Pilipinong tamad? Tama rin naman ang mga taong nagsasabing ang pamahalaan ang may kasalanan, pero tama din ang mga taong naniniwala sa kasabihang “ Ang Katamaran ay Katumbas ng Kahirapan”



Anu-ano nga ba ang mga rason kung bakit laganap ang kahirapan sa bansa? Ito ang ilan sa mga rason kung bakit laganap pa rin ang kahirapan sa bansa:

1       .Korapsyon
    .Kawalan ng sapat na edukasyon
3       Kawalan ng sapat na trabaho
4       .Kasakiman ng ibang namumuno
5        Katamaran

Kung hindi natin magagawan ng paraan ang ganitong pag-uugali, hindi na uunlad ang     ating bansa. Sa halip lalo tayo mahihila nito pababa, kaya hangga’t maaari’y dapat magkaroon tayo ng disiplina. Mahirap lang isipin na yung iba talaga ay wala talagang disiplina, mas inuuna ay ang pansariling kapakanan kaysa sa pangkalahatang pag-unlad.

Mayroon sigurong ilan sa atin na halos lahat nan g pangit na nangyayari sa buhay nila, sa gobyerno isinisisi. Hindi nakapag-aral, walang trabaho, goyerno ang sinasabing may kasalanan. Ang katotohonan ay may parte lamang na ginagampanan ang gobyerno sa pang indibidwal nating mga buhay. Totoo mayroon din namang kasalanan ang gobyerno pero, tayo bilang mga indibidwal ang mas may alam at pananagutan kung ano ang kalagayan natin ngayon

.Pero dapat di lang disiplina ang taglay natin. Katulad nga ng kasabihang ,“Kapag may  Tiyaga, may Nilaga”, kapag pinagsumikapan mo siguradong makakamit mo din ang inaasam. Dapat taglay din natin ang katangiang pagiging matiyaga at pagiging masipag, para di na tayo umasa sa bigay ng gobyerno.

Halina’t gawin nating ang magagawa natin upang umunlad tayo bilang indibidwal at bilang   Bansa. Gawin natin ito habang may oras pang natitira, masosolusyunan natin ito ng sama-sama at nagkakaisa. Kung magagawa nating lahat ang pagbabagong kailangan para mapaunlad ang bansa gayun na din sa mga naninirahan dito, makakamit natin ito, matatagalan pero makakamit pa rin natin ito. Sa ating lahat nakasalalay ang kinabukasan ng isa’t-isa at ng bansa.